74% found this document useful (47 votes)
85K views17 pages

Araling Panlipunan 8: Quarter 4 - Module 2

Uploaded by

nabila macaraob
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
Download as pdf or txt
74% found this document useful (47 votes)
85K views17 pages

Araling Panlipunan 8: Quarter 4 - Module 2

Uploaded by

nabila macaraob
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1/ 17

8

Araling Panlipunan 8
Quarter 4 – Module 2
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Araling Panlipunan — Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 — Module 2: Ikalawang Digmaang Pandaigdig
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency
or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for
profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment
of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Cherilyn M. Ramirez

Reviewer: Elvira Ruvi U. Camocamo Norebel A. Balagulan, PhD

Illustrator: Jay Michael A. Calipusan

Layout Artist: Jay Michael A. Calipusan

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan 8
Quarter 4 – Module 2
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Tala ng mga Nilalaman

Paunang Salita .................................................................................................. i


Alamin ............................................................................................................... i
Pangkalahatang Panuto: ................................................................................ ii
Mga Icon ng Modyul na ito ..................................................................................................... ii
Subukin ........................................................................................................... iii
Panimulang Pagtataya: ..................................................................................................... iii

Aralin 1
Mga Dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ........ Error! Bookmark not
defined.
Alamin ..................................................................................................................................... 5
Suriin ...................................................................................................................................... 2
Mga Sanhi ng Digmaan....................................................................................................2
Mga Sanhi ng Digmaan ...................................................................................................... 2
Mga Sanhi ng Digmaan ...................................................................................................... 3
Isaisip ..................................................................................................................................... 5
Gawain 4: Connect the map ............................................................................................... 5
Aralin 2
Mahahalagang Pangyayari sa Ikalawang Digmaan .................................... 10
Alamin ..................................................................................................................................... 1
Suriin .................................................................................................................................... 13
Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ....................................................... 13
Pagkabigo ni Hitler ........................................................................................................... 14
Ang Estados Unidos at ang Digmaan .............................................................................. 15
Ang Digmaan sa Pasipiko ................................................................................................ 16
Pagyamanin ......................................................................................................................... 17
Gawain 3: Time Table ...................................................................................................... 17
Aralin 3 Bunga ng mahahalagang pangyayari sa Ikalawang Digmaan ... 10
Alamin ..................................................................................................................................... 1
Suriin .................................................................................................................................... 13
Buod ............................................................................................................... 10
Pagtatasa .............................................................Error! Bookmark not defined.
Sanggunian .................................................................................................... 13
Paunang Salita
Ang araling ito ay tungkol sa tunggalian ng mga bansa sa pagitan ng nabuong Allied
Powers at ang mga mahalagang pangyayari na may kaugnayan sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Marahil ay nagtataka ka kung bakit hindi naiwasan ang muling pagsiklab ng
ganitong uri ng digmaan sa kabila ng malagim na pinsalang. Suriin sa araling ito nag mga
sanhi at ang mahahalagang kaganapan sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Tatalakayin sa araling ito ang mga konseptong may kinalaman sa mga pangyayari,
dahilan at pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama na ang mga
pagsusumikap ng mga bansang sangkot na makamit ang kapayapaan. Inaasahang sa
pagtatapos ng aralin ay matalino mong masasagot ang tanong na: Paano mo ipakikita ang
pakikiisa upang maitaguyod ang kapayapaan sa iyong bansa?

Alamin

Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:

♠ Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig
♠ Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
♠ Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
♠ Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang
pandaigdig at kaunlaran

i
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

Mga Icon ng Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Tuklasin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Suriin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Naglalaman ito ng mga katanungan upang
Pagyamanin maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isaisip
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

ii
Subukin
Panimulang Pagtataya:
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng
digmaan?
a. Naitatag ang United Nations
b. Nagkaroon ng World War III
c. Nawala ang Fascism at Nazism
d. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya
2. Alin sa sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib ng UN?
a. Mga bansang nanalo sa digmaan
b. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw
c. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa Kalayaan
d. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Ang kasunduan sa Versailles
ang nagsilbing binhi ng World War II”.
a. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles
b. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyak na
nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
c. Ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany upang
maghimagsik sa mga arkitekto nito
d. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng kasunduan
upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa.
4. Ang mga sumusunod ay puwersang Allies, maliban sa;
a. US
b. Russia
c. Germany
d. Great Britain
5. Ilan ang mga namatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. 1 milyon
b. 18 milyon
c. 50 milyon
d. 8.5 milyon
6. Kailan ang pormal na pagsuko ng Japan na nagwakas sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
a. Agosoto 1941
b. Abril 8, 1039
c. Setyembre 2, 1945
d. Setyembre 5, 1945

iii
7. Ano ang gamot na naimbento noong World War 2 kung kaya't napababa
ang bilang ng mga namatay sa sakit.
a. Alaxan
b. Biogesic
c. Penicilin
d. Paracetamol
8. Ano ang tawag sa hukbong panghimpapawid ng Great Britain?
a. Luftwaffe
b. Air Force
c. Royal Air Force
d. Great Britain Air Force
9. Ito ang organisasyon na nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
a. United States
b. United Naions
c. League of Nation
d. Treaty of Versailles
10. Ang mga sumusunod ay ang mga tuon ng United Nations, maliban sa;
a. Pangangalaga sa kapaligiran
b. Pagpapalaganap ng demokrasya
c. Pagtataguyod ng pag-unlad na panlipunan at karapatang pantao
d. Pag-alis ng karapatan sa bawat mamamayan na magkaroon ng boses
sa pamahalaan

iv
Aralin
Mga Dahilan ng Ikalawang
1 Digmaang Pandaigdig

Alamin

Ang araling ito ay tungkol sa mga dahilan na nagbigay-daan sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig at ang pakikilahok ng mga bansang magkakampi sa mga labanan. Sa araling ding
ito ay inaasahang makapag-bibigay ka ng mga paraan tungo sa apndaigdigang pangka-
unawaan.

Inaasahang pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay:

1. Naipapaliwanag ang sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan


2. Nailalarawan ang mga kaganapang naging dahilan ng Ikalawang Digmaan.
3. Napapahalagahan ang pagsunod ng isang kasunduan

Suriin

Mga Sanhi ng Digmaan


Hindi pa man lubusang nakakabangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga bansa sa daigdig, muling
umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin ito ng nasimulang ambisyon ng mga
makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga
pangyayarig naganap at nagpasiklab ng ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga sumusunod:

1. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria


Noong 1931, inagaw ng Hapon ang lunsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang
Hapon at sinabing ang ginawang ito ay paglusob. Kasunod ng pagkundena, ang Hapon ay itiniwalag sa Liga
ng mga Bansa.
2. Pag-alis ng Alemanya sa Liga ng mga Bansa
Ang Alemanya naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933, sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag-
aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Alemanya ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatan nito
na itatag na muli ang pag-aarmas. Matapos tumiwalag ang Alemanya sa Liga, pinasimulan ni Adolf Hitler,
ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Nagmithi si Hitler na labagin ang
kasunduan sa Versailles na naglagay sa Alemanya sa kahiya-hiyang kondisyon sa daigdig. Upang
makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang pananakop
na muli.

3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia


Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng
Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League)

4. Digmaang Sibil sa Espanya


Nagsimula ang digmaan sibil sa Espanya noong 1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang fascistang
Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. Nanalo ang Nasyonalista. Marami ang nadamay sa
digmaang sibil ng Espanya dahil sa pakikialam ng ibang bansa.
5. Pagsasanib ng Austria at Alemanya
Nagnasa ang mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa
Alemanya. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers
(Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italya at Alemanya
na kinalabasan ng Rome – Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing unyon
ng Austria at Alemanya ay nawalan ng bisa noong 1938.

6. Paglusob sa Czechoslovakia
Noong 1938, matapos makuha ni Hitler ang Austria, isinunod naman ng mga Aleman ang
misyon sa Czechoslovakia. Ang diplomat ni Hitler ay nanghingi sa pamahalaan ng Prague na
bigyan ng kumpletong awtonomiya ang Sudeten, isang rehiyon sa Czechoslovakia na maraming
Aleman. Dahil dito, humingi ng tulong ang Czechoslovakia sa Pransya at Inglatera na tinanggihan
naman ng dalawa.

7. Paglusob ng Alemanya sa Poland


Ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang digmaang Pandaigdig Digmaan ay
ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939. Ang pagsakop na ito ay pagbaliktad ng
Alemanya sa Rusya na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng
hindi pakikidigma. Ang pagbaliktad na ito ay dulot ng mga sumusunod na pangyayari:

a. Ang hindi pagsali ng Rusya sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia.

b. Ang pagkainis ng Rusya sa Inglatera nang ang ipinadalang negosyador ng Inglatera sa


Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi importanteng tao

Isaisip

Gawain 4: Connect the map!


Panuto: Gamit ang CONNECTION DIAGRAM, Ibigay ang PITONG DAHILAN ng pagsiklab
at pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa iba’t ibang panig ng mundo.
(https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/16939)
Aralin
Mahahalagang Pangyayari sa
2 Ikalawang Digmaan

Alamin

Dahil alam mo na ang mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, alamin din
ang mahahalagang pangyayaring naganap sa digmaang ito.
Pagakatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nasusuri ang mahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Naipapaliwanag ang pangyayari sa United States at ang Digmaan sa Pasipiko.
 Nabibigyang halaga ang pagkakaisa ng bawat mamamayan sa mundo.

Tuklasin

Gawain 2: JUMBLED LETTERS


Panuto: Buuin ang tamang salita sa mga naka-jumble na mga letra na nasa kahon.

1.

2.
G

3. U O

4.
Z
5. V
Suriin

Ang Takbo ng Digmaan


Matapos masakop ni Hitler ang Poland, ipinahayag niya na hindi siya hihingi ng pabor
sa mga ibang bansa ngunit dahil sa ilang ulit na siyang di tumupad sa pangako, lalong
naghanda ang mga Allies para sa anumang mangyayari. Ang mga Pranses ay nagtatag ng
isang depensa sa pamamagitan ng pader na konkreto na tinawag na Maginot Line. Nagtatag
din ng mga depensa ang mga bansa at nagpalakas ng kanilang hukbo.
Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Noong unang araw ng Setyembre 1939, ang puwersa ng Nazismo sa lupa at
himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng mga magigiting na taga-Poland ang
kanilang kalayaan. Nang mabatid ito ng Britanya at Pransya, sila ay nagpahayag ng
pakikidigma sa Alemanya. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Rusya na may lihim na
kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan. Hindi nagtagal, ang
Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Alemanya at Unyong Sobyet nang walang
labanan.
Ang Digmaan sa Europa
Sa kanlurang Europa, ang mga hukbong Pranses at Ingles ay nag-abang sa likod ng
Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang
Poland.
Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang
kanyang blitzkrieg biglaang (paglusob na walang babala). Ang mga taga33 Norway ay
lumaban subalit madaling natalo samantalang ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban.
Samantala ang Pransya na umasa sa Maginot Line bilang kanilang tanggulan ay
nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong ika-10 ng
Hunyo, 1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.
Mga Pagkabigo ni Hitler
Ang daigdig ay nangilabot sa karahasan ni Hitler at ng puwersang Aleman. Bumagsak
ang Pransya. Nilusob ng Inglatera na naiwanan nang nag-iisa sa pakikipaglaban sa
Alemanya.

Ang Estado Unidos at ang Digmaan


Ang pananalo ng Nazi sa Europa ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano.
Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ang layuning demokrasya. Nagpatibay ang
Kongreso ng batas na Lend Lease na nagsasabi na ang Estados Unidos ay magbibigay ng
kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro
ng puwersang Alyado ang Estados Unidos noong 1941.
Ang Digmaan sa Pasipiko
Samantalang ang mga Hukbong Nazi ay namiminsala sa Europa, ang Hukbong
Hapones ay naghahanda sa Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng Estados Unidos ang
pagpapadala ng langis sa Hapon at kinumpiska ang lahat ng ari-arian ng Hapones sa Estados
Unidos. Ang Punong Ministro na Hapon na si Hideki Tojo ay nagpunta kay Embahador Saburu
Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburu Nomura sa pakikipagtalastasan nang sa gayon
ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Hapon. Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang
mga Hapones ay naghahanda sa digmaan.
Unti-unti namang nakabangon ang Estados Unidos mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor
at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang pandigma bilang
kapalit sa mga nawasak ng Hapon. Tinipon ang mga puwersang alyado at pinamumunuan ni
Heneral Douglas MacArthur, na nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng
“I Shall Return.”

Pagyamanin

Gawain 3: Time Table


Panuto: Ayusin ang ilang mahahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa “time table”. Suriin ang naging takbo ng digmaan sa pagitan ng Allied Powers at
Axis Powers mula 1931 hanggang 1945. pagkatapos ay ilagay ang mga pangyayari
sa tamang panahong nakatala sa ibaba.

 Umalis sa Liga ng mga Bansa ang  Sinalakay ng Hapon ang Pearl Harbor sa
Alemanya Hawaii at nagdeklara ang Estados

 Sinakop ng Italya ang Ethiopia na  Unidos ng digmaan laban sa Hapon


isang paglabag sa Covenant of the
League

 Nagdeklara ng digmaan ang  Sinalakay ng Hapon ang Pilipinas


Alemanya laban sa Estados Unidos

 Nilusob ng bansang Hapon ang  Dumating ang Allied Powers sa Pransya na


Manchuria kilala bilang D-Day

 Sinakop ng Alemanya ang Austria  Nagpakamatay si Adolf Hitler

 Nilusob ng Alemanya ang Poland  Nagsimula ang digmaang sibil sa Espanya


sa pagitan ng Fascistang Nationalist Front
at Sosyalistang Popular Army

 Nagkaroon ng Tripartite Pact ang  Binomba ng Atomika ng Estados Unidos


mga bansang Hapon, Alemanya at ang Hiroshima sa bansang Hapon
Italya

 Sumuko na ang Hapon 


1931 ______________________________________________
1933 ______________________________________________
1935 ______________________________________________
1936 ______________________________________________
Marso 1938 ______________________________________________
Sept 1, 1939 ______________________________________________
April-May 1940 ______________________________________________
Sept. 1940 ______________________________________________
Dec. 7, 1941 ______________________________________________
Dec. 8, 1941 ______________________________________________
Dec. 11, 1941 ______________________________________________
June 6, 1944 ______________________________________________
April 30, 1945 ______________________________________________
Aug. 6, 1945 ______________________________________________
Sept. 2, 1945 ______________________________________________

Buod
 Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay labanan sa pagitan ng Allied Powers (Estados Unidos,
Inglatera, Rusya at Pransya) at Axis Powers (Aleman, Hapon ai Italya).
 Ang mga sanhi ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig ay ang pag-agaw ng Hapon sa 52 Manchuria
noong 1931, ang pag-alis ng Alemanya sa Liga noong 1933, pagsakop ng Italya sa Ethiopia noong
1935, ang digmaang sibil noong 1936 sa Espanya, pagsakop ng Alemanya sa Austria, pagsakop
ni Hitler sa parte ng Czechoslovakia, at ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939.
 Sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg at noong ika-10 ng Mayo 1940, sa biglaang pagsalakay
ng mga Nazi sa mga neutral na bansang Belhika, Holland at Luxembourg. Napabagsak din ang
Pransya at nilusob ang Inglatera.
 Ang hukbong Aleman ni Hitler at ang hukbong Italyano ni Mussolini ang nanguna ng digmaan sa
Europa, samantalang ang mga hapones ang nanalanta sa Pasipiko at Asya.
 Ang Estados Unidos ay tumulong sa paghahatid ng mga kagamitang pandigma sa mga kaalyansa
ng Allied Powers at sinumang bansang lumaban sa mga kasapi ng Axis Powers.
 Ang pagdating ng Allied Powers sa Normandy at pagkatalo dito ng tropang Aleman ang hudyat ng
pagkapanalo ng hukbo laban sa Axis Powers at pagbagsak ni Hitler.
 Ang pagkatalo ng Italya sa Hilagang Aprika ay naging hudyat sa pagbagsak ni Mussolini.
 Ang pagbabalik ni Gen. Douglas MacArthur sa Pilipinas ay simula ng paglaya ng bansa at
pagwawakas ng Imperyong Hapon sa Asya matapos na bombahin ng hukbong Amerikano ang
Hapon sa Hiroshima at Nagasaki gamit ang atomik bomb.
 Ang Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations ay nabuo at nagkaroon ng pagpupulong ang 50
bansang kasapi nito noong Oktubre 24, 1945 upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng
daigdig. Ito ang pinakamahalagang naidulot ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagtatasa

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Anong taon sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


a. 1945 b. 1943
c. 1939 d. 1940
2. Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring kagyat na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?

a. Pag – alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa


b. Paglusob ng Germany sa Poland
c. Pagbomba ng mga Hapon sa Pearl Harbor
d. Pag – agaw ng Manchuria sa Japan
3. Alin ang HINDI kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?
a. Naitatag ang United Nations.
b. Nagkaroon ng World War III.
c. Nawala ang Fascism at Nazism.
d. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya.
4. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa tunay na interes ng Hapon sa pag-
atake sa Pearl Harbor maliban sa ISA. Alin ang hindi kasali?
a. Maging kaanib ang mga bansa sa Asya sa samahan ng mga Nagkakaisang Bansa
b. Mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng mga Hapon, Aleman, at Italyano sa Pasipiko
c. Mapalawak ang imperyo ng Hapon sa Asya at ang kaisipang Asya para sa mga
Asyano
d. Mapalaya ang mga bansa sa Asya na sakop ng mga Ingles, Pranses, Olandes, at
Amerikano
5. Ang D-Day sa Normandy noong Hunyo 6, 1944 ay inaalala bilang:
a. pagsuko ng mga Aleman sa Great Britain
b. malagim na pagpatay sa mga Hudyo na nasa Europa.
c. matagumpay na pagdaong dito ng Allied Powers.
d. pag-urong ng Italya sa digmaan sa Europa.
6. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
1. Pagdating ng Allied Powers sa Pransiya bilang D-Day
2. Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon.
3. Paglusob ng Hapon sa Manchuria.
4. Pagsalakay ng Alemanya sa Poland.

Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay:


a. 2-4-3-1 b. 4-1-3-2
c. 1-2-4-3 d. 3-4-2-1
7. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naganap ang mga sumusunod,
maliban sa:
a. pagbagsak ng totalitaryang Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon
ni Hirohito
b. paghina ng pandaigdigang ekonomiya tulad ng mga industriya, transportasyon,
komunikasyon, at pananalapi
c. pagsilang ng malalayang bansa mula sa pagiging dating kolonya
d. pagtitiwalag ng Germany sa Liga ng mga Bansa at pagbabawal na lumikha ng mga
armas pandigma
8. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa Pilipinas?
1. Nagdeklara ng “Open City” ang Maynila.
2. Naganap ang Death March.
3. Sinalakay ng mga Hapones ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagwasak ng hukbong
panghimpapawid ng mga Amerikano sa Clark Field sa Pampanga.
4. Naganap ang Fall of Bataan.
5. Pagbagsak ng huling tanggulan ng Pilipinas-ang, Corregidor.

Ang wastong pagkakasunoud-sunod ng mga pangyayari ay:


a. 3-1-4-5-2
b. 2-4-3-1-5
c. 4-5-3-2-1
d. 3-4-2-1-5
9. Ang mga taong ito ay pawang nakaranas ng pinakamatinding pinsala sa buhay na dulot ng
mga Aleman noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig:
a. Hudyo b. Hapon
c. Italyano d. Amerikano

10. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang:


a. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World War II
b. Isang tagasuporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa
c. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Power
d. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal
Sanggunian:

A. Aklat
Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,
ISBN:978-9601-67-8

Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De
Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene S.
Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

B. Mga Sanggunian sa internet:

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/15682
https://www.slideshare.net/SMAPHonesty/aralin-3-ang-impluwensiya-ng-heograpiya-
sa-pagbuo-at-pagunlad-ng-mga-sinaunang-kabihasnan-sa-daigdig
https://www.slideshare.net/SMAP_G8Orderliness/aralin-3-ang-impluwensya-ng-
heograpiya-sa-pagbuo-at-pagunlad-ng-mga-sinaunang-kabihasnansa-daigdig
https://prezi.com/xa6o3zdoe-hk/ang-impluwensiya-ng-heograpiya-sa-pagbuo-at-pag-
unlad-ng-mga/
https://quizlet.com/417385408/ang-impluwensya-ng-heograpiya-sa-pagbuo-at-pag-
unlad-ng-mga-sinaunang-kabihasnan-ap-8-flash-cards/

You might also like